Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Can’t afford to be choosy with roles, says Kristoffer

Can’t afford to be choosy with roles, says Kristoffer

KRISTOFFER Martin

MALAPIT nang mag-e-expire ang kontrata ni Kristoffer Martin sa GMA Network at may tsikang diumano ay lilipat siya sa ibang network. Pero ayon sa kampo ng aktor, wala pa namang final decision si Kristoffer and his manager.

Kailangang pag-isipan nilang mabuti at timbangin ang mga bagay-bagay kung magre-renew si Kristoffer ng kontrata o mag-o-ober da bakod na siya.

Sabi ni Kristoffer, hindi naman siya choosy sa mga role na ino-offer sa kanya. Aniya, mas natsa-challenge siya kung paano niya paghuhusayan ang pagganap sa kanyang karakter.

“Ang hirap kayang maging choosy sa panahon ngayon,” ani Kristoffer. “Pag andiyan na ang opportunity, i-grab mona.

Pag-isipan mo kung paano mo magagampanan nang buong husay ang role na ipinagkatiwala sa ’yo.”

Oo nga naman!

Sa rami ng mga artistang nag-aabang mabigyan ng pagkakataon, kawalan ng mga nag-iinarte kapag naging choosy sila sa role.

comments