Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » KC’s birthday wish: Mr. Right

KC’s birthday wish: Mr. Right

Kc Concepcion

THIRTY-one years old na si KC Concepcion noong birthday niya last April 7. Still single at ang wish niya, sana’y matagpuan na niya ang “the one” for her. Sana nga’y matagpuan na niya si Mr. Right.

Ang mommy niyang si Sharon Cuneta, 18 years old noong nag-asawa. At 19 ay naging ina na ito. Si KC ang nagging bunga ng pagmamahalan noon nina Sharon at Gabby Concepcion. Unfortunately, naghiwalay ang kanyang parents and now, may kanya-kanya nang buhay ang mga ito.

Walang bonggang birthday celebration si KC. Sa halip ay nagbukas siya ng online store, KC’s Closet. For a cause ang online shop niyang ito na ang mapagbibilhan ng kanyang pre-loved items ay ilalaan para sa mga masustansiyang pagkain ng school children sa Mindanao.

comments