Home » News » Local » 2 Menor de edad na holdaper tiklo sa QC

2 Menor de edad na holdaper tiklo sa QC

Dalawang menor de edad na holdaper ang natiklo ng mga pulis pagkatapos umano nilang holdapin ang isang 17 taong gulang na babae sa Quezon City noong Sabado ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, nakasakay ang biktima ng pampasaherong jeepney sa Quezon Memorial Circle ng magdeklara ng holdap ang mga suspek, na may edad 14 at 17, kasama ng dalawang iba pa na armado ng mga patalim.

Pilit na inagaw ng mga suspek ang back pack ng biktima na may mga lamang gamit at pera.

Nagkagulo sa loob ng jeepney na may biyaheng Panay-Zabarte na minamaneho ni Jaime G. Manso at napansin ito ng mga operatiba ng QCPD Theft and Robbery Section na nagpapatrulya sa lugar.

Hinabol ng mga pulis ang jeepney at nakita sila ng mga suspek. Tumakbo patakas ang mga suspect nang makita nila ang mga pulis.

comments