Home » News » Local » Tricycle driver dedo sa bugbog

Tricycle driver dedo sa bugbog

Namatay sa bugbog ang isang tricycle driver sa Navotas City kahapon. Kinilala ng Navotas police ang biktima na si Jessie de Jesus, 40, taga-Barangay Tangos, Navotas.

Ayon sa imbestigasyon, nakita ng isang saksi na nagaaway ang biktima at suspek na si Ramon Ronquillo, 37, taga-Barangay Tangos, sa Agupan St., Barangay Tangos. “Nakita ko na nag-aaway ‘yung dalawang tricycle drivers. Nung umiinit na ang pagtatalo nila, nagsuntukan na sila,” ayon sa saksi na kaagad iniulat ang insidente sa mga barangay tanod.

Dumating ang mga barangay tanod sa lugar at nakitang duguan at nakahandusay ang biktima malapit sa kanyang tricycle. Wala na ang suspek na tumakas gamit ang kanyang tricycle at itinakbo ang biktima sa ospital kung saan ito binawian ng buhay.

Pinuntahan ng mga pulis ang bahay ng suspek pero hindi na nila ito dinatnan. Ayon sa mga kapitbahay ng biktima, nagmamadaling umalis ang suspek dala dala ang kanyang mga ari-arian. Pinaghahanap na ng mga pulis si Ronquillo. (Jel Santos)

comments