Home » News » News Roundup » Cabbie na rapist timbog

Cabbie na rapist timbog

Arestado kamakailan ang isang taxi driver na nangholdap umano sa apat na pasaherong babae sa Mandaluyong City.

Ginahasa pa umano ng suspect na si Ricky Ramos, alias “Zenki Ison,” ng Daang Bakal St., Barangay Harapin ang Bukas, Mandaluyong ang huling biktima nito noong Marso 19.

Ayon kay Senior Insp. Norman dela Rosa, hepe ng Mandaluyong police investigation unit, ang mga biktima ay hinoldap noong Enero 19, Pebrero 19, at Marso 19. Unang biktima ng suspect noong Enero 19 ang dalawang babae sa Sheridan at William Sts. Sumunod ang isang babaeng taga-Quezon City noong Pebrero 19 sa harap ng isang kilalang mall.

Huling biktima ng suspect ang isang taga-Muntinlupa City na nirape pagkatapos holdapin sa Barangay Barangka Ilaya. Nakilala ng mga biktima si Ramos na nagmamaneho ng taksi na may plakang AAP-7886.

comments