Home » News » Local » Dingdong nag-resign na sa Youth Commission post

Dingdong nag-resign na sa Youth Commission post

MAGKAIBA ang choice ng presidential candidate ang mag-amang Vic at Oyo Sotto. Si Senator Grace Poe ang ini-endorso ni Vic and his wife Pauleen Luna. Si Mayor Rodrigo Duterte naman ang presidential bet ni Oyo at ng misis niyang si Kristine Hermosa.

Kaya lang, binatikos sa social media sina Oyo at Kristine. Diumano’y hindi raw naman rehistradong mga botante ang mag-asawa. Kinukuwestiyon ng netizens ang mga pahayag nina Oyo at Kristine sa kanilang respective social media accounts tungkol sa pag-e-endorso nila kay Duterte.

Ibang klase talaga ang social media. Ang sisipag ng netizens mag-research para alamin ang mga bagay-bagay, estado ng pagkatao. Walang maitatago.

Nag-resign na

Nag-resign na si Dingdong Dantes bilang Commissioner-at-Large ng National Youth Commission. Ipinost niya sa kanyang Facebook account ang kanyang official statement.

Idineklara rin ng Kapuso Primetime King ang kanyang suporta kay vice presidentiable Leni Robredo. We assume na suportado rin ni Marian Rivera si Robredo.

Magtaka tayo kung si Senator Chiz Escudero na hubby ni Heart Evangelista ang vice-presidential candidate ni Marian.

Kahit sinabi pa ni Marian sa isang interbyu na “okey” na sila ni Heart, hindi maiwasang isipin na hindi pa rin ganoong ka-okey ang dalawang Kapuso stars.

Pwedeng paniwalaan kapag nag-guest si Heart sa “Sunday Pinasaya” at sa upcoming talk show ni Marian, “Yan ang Morning!” May upcoming teleserye si Heart sa GMA, “Juan Happy Love Story” with Dennis Trillo. Tingnan nga natin kung magpo-promote si Mrs. Escudero sa dalawang naturang shows ni Marian.

Biggest break ever

Nabago na naman ang title ng seryeng pagsasamahan nina Juancho Trivino at Louise de los Reyes. “Magkaibang Mundo” ang bagong title nito at hindi na “Ang Duwende at ang Herederang Gusgusin.” Final title na kaya ito?

Biggest break ever ito kay Juancho. Mabuti naman at nabigyan siya ng pagkakataon ng GMA7. Noon pa man ay maraming entertainment writers ang nagsasabing leading man material si Juancho. Push pa more!

Mr. Right na kaya?

Si Aly Borromeo na miyembro ng Azkals ang nali-link ngayon kay KC Concepcion. Siya na kaya si Mr. Right? Ano kaya’ng reaction ni Sharon Cuneta sa bagong guy na nali-link sa kanyang daughter? Aprub kaya sa megastar si Aly?

What about KC’s dad, Gabby Concepcion? Aprub kaya sa kanya ang Azkals member? Sabagay, never namang nakialam si Gabby sa love life ng kanyang anak. Cool dad lang ang aktor.

Si Phil Younghusband na miyembro rin ng Azkals ay naging boyfriend ni Angel Locsin. Na-link din si Phil kay Bangs Garcia na foreigner din ang fiance ngayon.

Nakarelasyon naman ni Michelle Madrigal si Neil Etheridge na miyembro rin ng Azkals. Sila pa rin kaya hanggang ngayon?

Kung tama kami, isa ring Azkals member ang someone special ngayon ni Rich Asuncion. Mukhang malakas ang atraksiyon ng Azkals members sa local female stars.

Walang effort

May nabasa kaming pahayag ni Andre Paras sa isang tabloid na bahagi nito’y sinabi niyang nasa kultura ng pagka-Pilipino na you always honor your parents.

Napaisip tuloy kami, eh, bakit kaya binabale-wala niya ang kanyang biological mother na si Jackie Forster? Ayaw ni Andre pag-uusapan ang kanyang ina. Sa isang interbyu, hindi niya nagustuhan nang may nagsabi sa kanya na kamukha niya ang kanyang mommy.

Palaisipan din kung bakit hindi nag-e-effort si Andre na makipag-usap sa kanyang mommy sa kabila ng maraming beses na pagtatangka nitong makita at makausap sila ng kapatid niyang si Kobe.

comments