Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Barbie pinayagan nang magka-BF

Barbie pinayagan nang magka-BF

Barbie Forteza

KUNG si Bea Binene ay ayaw pang magka-boyfriend muli matapos silang mag-break ni Jake Vargas, ang parents naman ni Barbie Forteza ay payag nang makipagrelasyon ang kanilang daughter.

Mag-na-19 years old na si Barbie sa July at NBSB (no boyfriend since birth) siya. Pero nakatikim na siya ng first kiss, sa screen nga lang. Si Andre Paras ang unang nakahalik sa virgin lips ni Barbie.

Naganap ’yun sa ilang eksena nila sa “That’s My Amboy.” How true kaya na may nadedebelop nang “something” kina Barbie at Andre? O, hindi kaya, pang-promo lang ’yun para sa kanilang TV series?

comments