Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Mga bagong programa ng GMA, ipalalabas na

Mga bagong programa ng GMA, ipalalabas na

Dennis and Heart

NAPAPANOOD na ang latest Summer Station ID ng GMA 7 tampok ang hottest stars ng istasyon. Sa nasabing station ID ay ipinakita na rin ang mga bagong programang mapapanood simula ngayong summer.

Kabilang dito ang “Yan Ang Morning!,” ang daily talk show ng Primetime Queen na si Marian Rivera na magsisimula na sa May 2; ang “Once Again” na pagbibidahan nina Aljur Abrenica at Janine Gutierrez simula May 2; ang “Magkaibang Mundo” nina Louise de los Reyes at Juancho Triviño simula May 2; ang “Naku, Boss Ko!” tampok sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia simula April 25; at ang “Juan Happy Love Story” na pinangungunahan nina Dennis Trillo at Heart Evangelista simula May 16 sa GMA Telebabad.

comments