Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Alden praised for staying grounded

Alden praised for staying grounded

PURING-puri ng actress-director na si Gina Alajar si Alden Richards. Ipinost ni Alajar sa kanyang Instagram account ang photo nila ng Kapuso Heartthrob na kuha noong 2013.

Si Gina ang nagdirek ng life story ni Alden na itinampok sa “Magpakailanman” at aniya, wala pang kalyeserye noon ang Pambansang Bae, wala pang AlDUb, wala pang commercials.

Sobrang happy si Alajar for Alden sa narating nito ngayon. “You have gone a long, long way. Stay grounded and grateful,” bahaging post ni Alajar.

Likewise, all praises din kay Alden ang actress-politician na si Lani Mercado. Kamakailan ay nagdiwang ng kanyang kaarawan si Congresswoman Lani at isa sa mga well-wisher niya’y si Alden. Naging close sa pamilya Revilla si Alden noong isama siya ni Senator Bong Revilla sa “Panday” movie nito.

Baguhan pa lang noon si Alden. Wala pang sariling sasakyan at nakikisabay lang siya sa production crew. Kahit tapos nang kunan ang mga eksena ni Alden, hindi pa rin siya makaalis sa set dahil hinihintay niyang matapos magligpit ang production crew. Ang mga ito ang huling-huling umaalis kapag pack-up na ang shooting.

Mula noon hanggang ngayong sobrang sikat na si Alden at kumikita na ng milyones, hindi pa rin siya nagbabago, ayon kay Cong. Lani. Kapag may okasyon ang pamilya Revilla, parating imbitado si Alden. Basta rin lang libre ang schedule niya’y pinapaunlakan niya ang mga Revilla.

comments