Home » News » Local » Real-life tandem seen in Mark-Winwyn

Real-life tandem seen in Mark-Winwyn

MUKHANG bini-build up ng GMA-7 ang tambalan nila Mark Herras at Winwyn Marquez.

Sunud-sunod nga ang pagsasama ng dalawa sa iba’t ibang shows sa Kapuso network.

Nag-tape na sila para sa isang episode ng “Dear Uge” at ngayong weekend ay mapapanood sila sa Lip Sync Battle Philippines.

Nang tanungin si Mark kung ano na ang estado ng kanyang panliligaw kay Winwyn, sinagot nito ay “we’re getting there”.

Hindi naman daw pine-pressure ni Mark si Winwyn na sagutin siya kaagad. Binibigyan naman daw niya ito ng time para mas makilala siya nito nang mabuti.

“Nagkaroon kasi tayo ng hindi magandang image noon, ’di ba? Kaya gusto kong mabura iyon para naman hindi iyon makaapekto sa panliligaw ko kay Winwyn.

“Sa palagay ko naman, mas nakikilala na niya ako talaga. Alam niyang seryoso tayo sa kanya. Seryoso itong ginagawa kong pagligaw sa kanya.

“Basta masaya ako kapag nakakasama ko siya,” ngiti pa ni Mark.

Para naman kay Wyn, “exclusively dating” ang label niya sa kanila ni Mark. Si Mark nga lang daw ang lagi niyang nakakasama at okey raw iyon sa kanyang mga magulang.

Nakakasama nga raw niya si Mark sa pagkampanya ng ina niyang si Alma Moreno sa pagka senador.

“Pinayagan naman si Mark ng GMA Artists Center. Sumasama siya sa mga campaign rallies. Sumusuporta siya kay Mama pati na kina Kuya Vandolph (Quizon) at Kuya Jeremy (Marquez).

“Masasabi kong parang part na nga si Mark ng family namin kaya okey naman. We’re happy sa nangyayari sa amin ngayon.”

So ang ibig sabihin ay okey na si Mark sa daddy niyang si Joey Marquez? Hindi na ba ito nakikialam sa mga nagde-date sa kanya?

“Ay hindi mawawala iyon kay Papa. Nagtatanong pa rin naman siya.

“Si Mark kasi kilala na ni Papa. Nagkatrabaho na sila nang ilang beses na. So parang may tiwala naman siya kay Mark,” pagtapos pa ni Winwyn Marquez. (Ruel J. Mendoza)

comments