Home » News » News Roundup » 3 patay sa sunog

3 patay sa sunog

Tatlo ang patay nang tupukin ng sunog ang kanilang tirahan Lunes ng madaling araw sa Pasig City. Mahimbing ang tulog nina Rosario Chan, 72-anyos, ang anak nito na si Constancia Chan, 50-anyos at 21-anyos na pamangkin nito na si Benedict Chan nang sumiklab ang apoy na nagdulot ng pagka-abo ng kanilang tahanan sa Sikap Residential compound, Sitio Sais, Barangay Kalawan sa Pasig City.

Hindi na nagising ang mga biktima dahil sa bilis ng pagkalat ng apoy sa dalawang palapag na tahanan ng mga ito.

Ayon sa ilang mga residente, nakakandado ang main gate ng mga Chan kaya nahirapan ang mga nag-nais na umayuda sa mga ito.

Napag-alaman din ng fire officials na maraming appliances ang ginagamit ng tahanan ng mga biktima ngunit hindi umano nagkaroon ng pagsasa-ayos sa kanilang wiring connections.

Bago ang sunog ay isang malakas na pagsabog umano ang narinig buhat sa unang palapag ng tahanan ng mga biktima.

comments