Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Billy handa nang magpakasal

Billy handa nang magpakasal

Billy and Coleen

Kung si Billy Crawford ang masusunod, gusto na niyang pa-kasalan si Coleen Garcia. “She’s the one” na talaga na gusto niyang makasama for the rest of his life.

Kinausap na ni Billy ang daddy ni Coleen para hingin ang blessing nito na pakakasalan niya si Coleen. Anytime, handa na siyang pakasalan ang kanyang girlfriend, ayon kay Billy.

Si Coleen ang hindi pa handang maging Mrs. Billy Crawford. She’s only 23 years old at marami pang gustong ma-achieve sa kanyang career. Supportive boyfriend naman si Billy at willing siyang maghintay kung kalian handa na si Coleen maging wife niya.

Ten years older or so si Billy kay Coleen at sana lang, hindi na siya ma-confuse uli gaya noong si Nikki Gil ang ka-relasyon niya. Happily married nangayon si Nikki sa kanyang non-showbiz husband. Baby na lang ang kulang para makumpleto ang kanilang pamilya.

comments