Home » News » Local » Live-in sina Tom at Carla

Live-in sina Tom at Carla

Para sa first anniversary ng GMA News Affairs drama anthology Karelasyon, ang host nito na si Carla Abellana ang siyang magbibida sa special episode nito on April 30 titled “Live-In” kung saan co-star niya ang rumored boyfriend na si Tom Rodriguez.

“Hindi naman po kaagad pumasok sa isip ko na, ‘Paano kung one day, ako naman ’yung umarte tapos iba naman ’yung maghost?’

“’Di ’yun pumasok kaagad, kasi nag-concentrate po ako talaga ng husto sa pagho-host.

“Ngayon that we are on, past our first year, ang dami pang mas magagaling, mas malalaking artista na gaganap. Mas varied ’yung genre, may rom-com, may comedy.

“Of course, we will still stick to the mature, medyo controversial, medyo dark ’yung genre, so mas ano lang, mas focused pa.

“Mas madami tayong mapapanuod sa susunod na episodes na hindi lang maka-ka-relate ’yung mga babae, pati iba. Hindi lang matatanda, but even the young ones, so mas varied lang siya,” kuwento pa ni Carla.

Marami pa raw big stars ang hindi pa lumalabas sa Karelasyon at sana raw ay makuha nila ang mga ito.

“Ang dami pang hindi nagka-Karelasyon.

“Sabi ko nga kayDirek Adolf (Alix), si Dennis Trillo di pa nagka-Karelasyon. Medyo schedule-wise lang po dahil may bago siyang teleserye.

“Madami pa ang gusto na ming lumabas sa ‘Karelasyon’ like Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Megan Young.
“For the love of material, papayag sila,” ngiti pa ni Carla.

Sa pakikipagtrabaho ulit with Tom after such a long time ay wala naman daw nagbago.

Huling nagsama sa isang teleserye ang dalawa ay noong 2014 pa sa “My Destiny.”

“The last movie we did was last year, ‘No Boyfriend Since Birth.’

“So matagal na rin talaga. Pero okey naman.Walang nabago.

“Nakatulong na medyo light ang story namin. Hindi kasing bigat ng mga usual episodes ng ‘Karelasyon.’

“Kaya it was easy to act with Tom again. Nakaka-miss lang,” diin niya.

Magbabakasyon si Carla sa Europe for one week after na mag-last taping day ang teleserye niya na “Because of You.”

“I will be with my family. One week lang kami. It’s a long overdue vacation. We’ll be touring Paris, Milan and Rome.

“I need to be back din because I still have ‘Karelasyon’ and ‘Ismol Family’ as my shows,” pagtapos pa ni Carla Abellana. (RUEL J. MENDOZA)

comments