Home » News » News Roundup » Pedestrian nahagip sa pagtawid

Pedestrian nahagip sa pagtawid

Patay ang isang tumatawid na pedestrian matapos mahagip ng isang truck Martes ng gabi sa Pasay City.

Ayon sa ulat ng traffic unit ng Eastern Police District, tumatawid ang biktima na si Antonio Cipiado, 25, residente ng Roxas road, Iba, Teresa, Rizal sa east-bound lane ng Ortigas Avenue Extension sa Barangay Rosario sa Pasig City nang mabundol ito ng truck na may plate number AAB-1157 at minamaneho ni Ricky Godinez.

Tumilapon ng ilang metro ang biktima at nagawa pa na maitakbo ito ng pulisya sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center kung saan ito namatay dahil sa tindi ng pinsala sa ulo at katawan.

Sa kaniyang pagsuko ay itinanggi ng driver na nakatulog o lasing ito ngunit mahaharap pa din sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

comments