Home » News » Local » Ritz alaga ni Coco

Ritz alaga ni Coco

Kahit pala noong nasa TV5 pa si Ritz Azul ay pinangarap na niyang makatrabaho sa isang proyekto si Coco Martin.

Kaya naman dream come true para sa bagong Kapamilya actress na pagkatapos niyang pumirma ng exclusive two-year contract sa ABS-CBN noong April 12 ay isinabak agad siya sa taping bilang bagong cast member ng FPJ’s “Ang Probinsyano,” na pinagbibidahan ni Coco.

“Kasi sabi ko gusto kong makatrabaho si Coco Martin, sinabi ko iyon. So, dream come true ito. Tapos parang two days before ng contract signing, sabi, ‘O, may taping kang ‘Ang Probinsyano’ after ng contract signing mo.’ ‘What?’ sabi ko. ‘After ng contract signing kasama ko na agad si Coco?’, ” masayang sabi ni Ritz.

Kumustang katrabaho si Coco? “Grabe, para akong nagkaroon ng coach sa eksena, sa taping. Tinuturuan niya akong, ‘Eto ang magandang gawin… Gawin mo ito, ganyan-ganyan. Tapos eto ang magandang gawin mo sa eksena mo, eto ang atake mo.’

Pati character tinuturo niya sa akin. ‘Wow, kung hindi ko pa magagawang mabuti ito, ewan ko na lang,’ sabi ko sa isip ko. Sobrang thankful ako kasi lahat supportive talaga, from management hanggang sa pinakababang staff ng Probinsyano.”

Bigla niya bang naging crush si Coco? “Ang pogi ni Coco!” sabay tawa ni Ritz.

Bukod sa kapogian, ano pa ang na-discover niya kay Coco? “Maalaga siya. Sobrang gentleman niya. Iyon nga tinuturuan niya ako sa mga eksena. Wala ka nang hahanapin. Parang wala kang masasabing masama, kasi lahat nandun na sa kanya.”

At inulit namin ang tanong kung naging crush na ba niya si Coco? “Oo, crush ko siya!” ani Ritz. (GLEN P. SIBONGA)

comments