Home » News » Local » Aiko’s new man

Aiko’s new man

ISANG foreigner na naman ang nagpapasaya ng puso ngayon ni Aiko Melendez. Ipinost niya sa kanyang social media account ang picture at name nito, Shahin Alimirzapour. Guwapo at mukhang bata pa ang guy.

“Starting a new story and journey with @shanin_mirzapour_ No explanation needed” ang photo caption ni Aiko. Sana this time ay mag-work na ang pakikipag-relasyon ni Aiko.

Short-lived lang ’yung huling relationship niya sa isa ring foreigner, si Mario Claudio na isang Spanish national.

Samantala, suportado ni Aiko ang ex-husband niyang si Jomari Yllana sa kandidatura nito. Tumatakbo si Jom bilang konsehal sa isang distrito sa Parañaque City. Kung may pagkakataon, sumasama si Aiko kay Jomari sa pangangampanya nito.

comments