Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » John, Isabel nag-a la DongYan sa social media

John, Isabel nag-a la DongYan sa social media

John and Isabel

PROUD brand-new parents sina John Prats at Isabel Oli sa kanilang firstborn baby girl. Pinangalanan nila itong Lilly Feather na ipinanganak ni Isabel noong Lunes, April 18, sa St. Luke’s Global City.

Kung si Dingdong Dantes ay isang kamay ni baby Letizia ang ipinost sa kanyang social media account noong ipanganak ito ni Marian Rivera, isang paa naman ni baby Lilly Feather ang ipinost ni John sa kanyang social media account.

Hindi rin ipinakita ang face ng baby. Marami pa naman ang excited makita ang itsura ng baby nina John at Isabel.

Abang-abang na lang sa mga susunod na post ng picture ni baby Lilly Feather.

Next in line na manganganak this April ay si Chynna Ortaleza. Any day now ay nakatakda siyang magsilang ng firstborn din nila ni Kean Cipriano. Inilihim nila ang pagbubuntis ni Chynna. Hindi kaya ilihim din nila ang panganganak ni Chynna?

Ang iba pang showbiz mothers to be ay sina Nadine Samonte, Iya Villania, Toni Gonzaga, and who else?

comments