Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Kasal ni Rufa Mae tuloy na

Kasal ni Rufa Mae tuloy na

rp_RUFA-Mae-Quinto.jpg

MUKHANG tuloy na talaga ang kasal ni Rufa Mae Quinto sa fiance niyang si Trevor Magallanes.

Nakatakda itong dumating sa Pilipinas ngayong Sabado (April 23) mula sa United States para pormal na hingin ang kamay ni Rufa sa kanyang pamilya.

Matatandaang early this year ay nai-post ni Rufa sa kanyang social media account ang engagement party nilang ginanap sa US kasama ang pamilya ni Trevor at ilang kamag-anak ni Rufa. Within this year plano nilang magpakasal.

Abang-abang na lang sa iba pang detalye sa kasalang Trevor-Rufa.

comments