Home » News » News Roundup » Lalake utas paglabas ng motel

Lalake utas paglabas ng motel

Utas ang isang lalake pagkatapos lumabas kasama ang isang babae sa motel sa Pasig City noong Huwebes ng hapon.

Ayon sa imbestigasyon ng Pasig police, naglalakad ang biktima na si Jess Bisquera ng Barangay Sta. Lucia, Pasig kasama ang hindi pa nakikilalang babae sa R. Cruz St., Barangay Pinagbuhatan nang lumapit ang isang lalake at binaril ang biktima sa ulo at tumakas na parang walang nangyari.

Tumakbo ang kasamang babae ng biktima at hindi na nakita. Ilang oras bago ang insidente, nag-checkin ang biktima kasama ang babae gamit ang pangalang J. Ubuno and Edith Vergara sa Novo Hotel. Masusing iniimbestigahan na ng mga pulis ang insidente.

comments