Home » News » Local » Emilio on politics: ‘Never again’

Emilio on politics: ‘Never again’

MINSAN na ring sinubukan ni Emilio Garcia ang pulitika. Naging board member siya ng Laguna. Aniya nang nakausap namin ito sa presscon ng “Once Again,” never again siyang magpupulitika.

Ang dami raw niyang natuklasan at hindi niya kinaya ang sistema sa pulitika. “Iba, eh! Kahit gusto mong maglingkod nang tapat sa mga kababayan mo, kapag napasukan ng maling sistema, mababale-wala lahat ng gusto mong mangyari. Hindi mo makakayang labanan mag-isa ang bulok na sistema ng nakararami,” words to that effect na pahayag ni Emilio.

Aniya, sa showbiz na lang siya. Mas sinsero raw ang mga taga-showbiz kapag tumutulong sa kapuwa. Ibang klase raw talaga ang mundo ng pulitika, ayon kay Emilio.

Bukod sa source of income niya mula sa showbiz, may real estate business din si Emilio.

Happily married siya sa kanyang non-showbiz wife at tatlo ang anak nila, two girls, one boy. Nag-artista for a while ang anak niyang si Gabbi. Pero pinagbawalan ito ng school niya, kaya huminto na lang sa pag-aartista.

Emilio plays Tony Sanchez in “Once Again.” Mga bida rito sina Janine Gutierrez at Aljur Abrenica. Kasama rin sina Jeric Gonzales, Thea Tolentino, Jean Garcia, Timmy Cruz, Chanda Romero, Joko Diaz at Sheryl Cruz. May special participation sina Christopher de Leon, Irma Adlawan, Bembol Rocco, Sharmaine Arnaiz at Phytos Ramirez.

Mula sa direksiyon ni Don Michael Perez, “Once Again” premieres on May 2 after “Poor Senorita” on GMA Telebabad.

comments