Home » News » Local » Security guard kinasuhan

Security guard kinasuhan

Kinasuhan na ng Manila Police District-Theft and Robbery Section ang security guard na sangkot umano sa panghoholdap ng P6.2 million na dala ng isang armored van noong nakaraang Lunes sa Taft Ave., Manila.

Ayon kay PO3 Rodel Benitez, kinasuhan ng robbery-qualified theft si Jessie Castillo, 39, ng Personal Security System Inc., at taga-Pasay City, sa Manila Prosecutor’s Office noong Sabado batay sa reklamo ng G4 Cash Solutions Philippines Inc.

Ayon sa imbestigasyon ng pulis, maaring inside job ang nakawan dahil hindi nanlaban si Castillo nang agawin ng dalawang armadong lalake ang pera na ilalagay sana sa Automated Teller Machine ng isang kilalang bangko. Depensa ni Castillo na sinanay silang huwag manlaban pag tinutukan ng baril. Si Castillo ay naaresto kamakailan sa kanyang trabaho at tahimik na sumuko sa mga otoridad. Itinanggi niya ang mga paratang. (Argyll Cyrus B. Geducos)

comments