Home » News » News Roundup » Umawat sa alitan sinaksak

Umawat sa alitan sinaksak

Sugatan ang isang lalake ng saksakin siya habang umaawat sa isang alitan sa Pasig City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng Pasig police ang biktima na si Jhon Lee dela Cruz, 23, ng Barangay Sta. Ana, Pateros, Manila.

Ayon sa imbestigasyon ng Pasig police, pauwi na ang biktima mula sa D’Anchor Resort sa Barangay San Joaquin pagkatapos ng overnight swimming ng malaman niyang sinuntok ang kanyang kaibigan ng suspek na si Louie Ignacio ng Barangay Bambang, Pasig dahil sa isang alitan.

Umawat ang biktima sa alitan pero sa kanya itinuon ang galit nito at sinaksak siya ng dalawang beses sa likod.

Tumakas ang suspek at dinala ang biktima sa Rizal Medical Center sa Pasig kung saan siya nagpapagaling.

Pinaghahanap na ng mga pulis ang suspek na nahararap sa kasong frustrated homicide. Napagalamang dumating ang biktima sa resort ng 11:45 p.m. noong Linggo kasama ng kanyang mga kaibigan at umalis pagkaraan ng tatlong oras.

comments