Home » News » News Roundup » 20 foreigners tiklo

20 foreigners tiklo

Inaresto ng operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang 20 dayuhan nang magsagawa ito ng raid sa isang on-line gambling den sa Angeles City, Pampanga.

Kinilala ng hepe ng CIDG na si Director Victor Deona ang mga suspek na sina Zao Ging, Xue Wang, IV Yao at Wang Tianda na mga South Korean nationals na natiklo sa isang raid sa Palm Villas sa Clark Freeport Zone.

“Seized from them were six laptop computers, a router, modem, and assorted computer and wire paraphernalia,” ani Deona. Bukod sa mga ito ay arestado din ang ilang pang mga suspeks na pawang mga Chinese nationals.

“All the arrested foreign nationals were charged for violation of RA 10175, or Cybercrime Prevention Act,” dagdag ni Deona.

comments