Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Anne approves of Jasmine’s new BF

Anne approves of Jasmine’s new BF

Jasmine Curtis-Smith and Anne Curtis (Instagram)

UMAMIN na si Jasmine Curtis-Smith na boyfriend na niya ang surfer at businessman na si Jeff Ortega. Si Jeff ang guwapong lalaking kasama ni Jasmine sa pictures na ipino-post ng aktres sa kanyang Instagram.

Nangyari ang pag-amin sa guesting ni Jasmine at ng ate niyang si Anne Curtis sa “Gandang Gabi Vice” ng ABS-CBN noong Linggo, April 24. Tinanong kasi ni Vice Ganda si Jasmine kung sila na ba ni Jeff?

“Oo!” mabilis na sagot naman ng young actress.

Nang tanungin naman ni Vice si Anne kung happy ba siya para sa kapatid?

“Oo, masaya ako,” sabi ni Anne.

Bakit okay sa kanya si Jeff?

“Mabait talaga. Parang nakikilala ko na siya before pa. Mabait siya. Tapos nakikita ko kung paano siya um-effort kay Daddy, kay Mommy, kay Balong… cute,” ani Anne.

Nakikialam pa ba siya kay Jasmine?

“Siyempre nakikialam,” sabay tawa ni Anne. “Gusto ko ring ma-involve sa plano nila. Saan kayo? Ganyan.”

Matatandaang hindi boto si Anne sa naunang boyfriend ni Jasmine na si Sam Concepcion. Na-involve pa nga sa kontrobersiya sina Anne at Sam. Nauwi sa hiwalayan sina Jasmine at Sam. Pero depensa ni Jasmine walang kinalaman ang ate niya sa kani-lang hiwalayan. (GLEN SIBONGA)

comments