Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Emilio puts daughter Gaby back to school

Emilio puts daughter Gaby back to school

Emilio Garcia

PROUD na binalita ng award-winning actor na si Emilio Garcia na graduating na from college ang kanyang panganay na si Gaby Garcia.

Magtatapos ito sa St. Paul’s University sa kursong Mass Communication.

Nag-aartista rin si Gaby at ilang taon din itong kasama sa “Walang Tulugan with the Master Showman” at lumabas din sa ilang shows sa GMA-7.

Pero pinatigil muna ito ni Emilio dahil gusto niyang mag-focus ito sa kanyang pag-aaral.

“Graduating na kasi siya at bawal sa school nila ang nag-aartista.

“I told my daughter na tapusin niya muna ang kurso niya and if she wants to continue, okey lang.

“Tutal ilang years din siyang nag-showbiz. I think it’s time na pag-aaral na ang pagtuunan niya nang husto,” diin pa ni Emilio.

May dalawang anak pa si Emilio na tila walang mga hilig na sundan ang yapak niya sa showbiz.

“Mga bata pa ’yung dalawa kasi. Mas gusto nilang nasa school sila and to be with their friends.

“Okey lang naman sa akin na mag-showbiz din sila. Ang pinakain ko naman sa mga ’yan ay galing sa showbiz, eh.

“Open naman ako sa possibility na puwede nilang pasukin ang showbiz balang-araw. Pero siyempre, mas gusto kong mas maging priority nila ang pag-aaral,” ngiti pa ni Emilio.

Kasama si Emilio sa bagong GMA-7 primetime teleserye na “Once Again” kung saan bida sina Aljur Abrenica at Janine Gutierrez.

Gaganap si Emilio bilang ama ni Aljur. Second time na niyang makakatrabaho ang Kapuso hunk. Una silang gumanap na mag-ama sa “The Last Prince” in 2010.

“Noong ‘The Last Prince,’ bata-bata pa si Aljur that time. Ngayon malaki na ang pinag-mature niya. Pero gano’n pa rin siya. Magalang at mabait na bata.

“Nakakatuwa naman ang mga batang ito kasi habang tumatagal sila ay gumagaling sila sa pag-arte.

“Payo ko lang naman sa kanila ay ingatan nila ang image nila at maging professional parati para mas tumagal pa sila sa industriyang ito,” pagtapos pa ni Emilio Garcia. (RUEL J. MENDOZA)

comments