Home » News » News Roundup » Lalaki solo winner ng P90-million

Lalaki solo winner ng P90-million

Isang lalaki na ang hanap buhay ay magbenta ng basahan ang maswerteng nanalo ng R94-million lotto prize.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Atty. Jose Ferdinand Rojas II, kanila nang naibigay ang tseke ng maswerteng 40-year-old winner na tumama ang numerong 13-20-31-41-45-46 sa April 14, 2016 Super Lotto 6/49 Draw.

Hiwalay sa asawa ngunit mayroong dalawang anak, plano ng lotto winner na bumili ng kaniyang dream house bukod pa sa pagpapatayo ng apartment units na kaniyang papaupahan. Gagamitin naman nito ang natitirang pera para sa pag-aaral ng kaniyang mga anak.

Taong 2007 pa umano nagsimulang tumaya ang lalaki kung saan ang sistemang Lucky Pick ang kaniyang inasahan sa kaniyang taya na P20.

comments