Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Winwyn good influence kay Mark

Winwyn good influence kay Mark

MARK HERRAS

AYON kay Lolit Solis, may scholarship sana si Winwyn Marquez sa London. Pero ayaw na raw magpunta roon ni Winwyn para mag-aral.

“May boyfriend na kasi. Hindi niya maiwan si Mark (Herras),” pagbubuko ni Lolit, manager ni Mark. College graduate na si Winwyn at nag-apply siya ng scholarship para makapag-aral pa sa London.

Ayon pa kay Lolit, good influence si Winwyn kay Mark. Gusto raw mag-aral muli ng Kapuso actor. Gusto raw ni Mark, lumawak ang mga kaalaman sa maraming bagay na mapag-uusapan nila ni Winwyn.

Marami na raw magagandang values sa buhay ang natututunan ni Mark kay Winwyn, ayon pa kay Lolit. Ang laki na raw ng ipinagbago ni Mark. Seryoso na ito at may magagandang plano sa buhay at para sa magiging sariling pamilya nito. Eh, di wow!

comments