Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Jackie Rice giving bday treat to elderly

Jackie Rice giving bday treat to elderly

Jackie Rice

BIRTHDAY ni Jackie Rice noong April 26 at may charity event siya on Saturday (April 30). Ani Jackie, gusto niyang maging meaningful ang kanyang birthday, kaya naisip niyang i-celebrate ’yun sa Good Samaritan Nursing Home for the Elderly, kapiling ang mga lolo at lola.

“Masaya at sobrang thankful ako sa blessings na ibinibigay sa akin ni Lord. Kaya naman, gusto kong mag-share sa mga lolo at lola,” ani Jackie. Malapit daw ang puso niya sa mga matatanda.

Bukod sa kanyang showbiz career, abala rin si Jackie sa pag-aasikaso sa kanyang restaurant business. It’s doing good, kaya nagpaplano siyang magkaroon ng isa pang branch nito.

comments