Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Liz, Gil are they on? ‘Parang ganun na nga’

Liz, Gil are they on? ‘Parang ganun na nga’

enrique and liza

OPEN sa kanyang feelings si Enrique Gil para sa ka-love team niyang si Liza Soberano. Inaamin nga niya at sinasabi pang mahal niya ang kanyang “Dolce Amore” leading lady. Pero ayaw naman daw niyang madaliin at i-pressure ang dalaga. Iginagalang din daw ng aktor ang family ni Liza.

“Siyempre respetuhin natin ’yung desisyon ng family niya. Siyempre she just turned 18 at kahit 18 na, siya ’yung breadwinner ng family niya. Siyempre hindi naman nila pini-pigilan si Liza sa lahat ng nangyayari sa amin, ’yung loveteam namin, ’yung partnership namin. Nakikita nilang lahat naman is all good. Okay naman sila, boto naman sila, but sabi nila darating din naman diyan,” paliwanag ni Enrique.

Nang matanong naman tungkol sa estado ng kanilang relasyon, kung sila na ba? Ang sagot lang ni Enrique, “Parang ganun na nga rin.”

Tila may unawaan at usapan na nga ang dalawa. Wala naman kasing ibang babaeng nililigawan si Enrique. Hindi rin naman nag-e-entertain ng ibang boys si Liza. Gayunpaman, alam daw nila ang kanilang priority at iyan ay ang kanilang career.

Sa ngayon, happy lang sina Enrique at Liza sa lahat ng nangyayari sa kanilang love team gayun din sa tagumpay na tinatamasa ng pinagbibidahan nilang ABS-CBN teleser-yeng “Dolce Amore.” Bukod sa pamamayagpag sa national TV ratings ay gabi-gabi pang nagte-trending sa social media ang hashtag na gamit ng kanilang show.

Excited na rin sila para sa kanilang Dolce Amore Destiny World Tour. Lilipad papuntang Europe sa June sina Liza at Enrique. Sa June 11 ay nasa Yorkshire, England sila; June 12 sa Rome at Paris, France; at June 19 sa Dusseldorf, Germany.

Pero bago ang kanilang world tour, una munang magaganap dito sa Pilipinas ang kanilang Dolce Amore Destiny Tour sa May 1 sa Lapu-Lapu Shrine, Luneta Park, Manila. Makakasama nila rito ang iba pang cast ng “Dolce Amore.”
(GLEN P. SIBONGA)

comments