Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Gerald, Bea team up in new film, expect old issues to resurface

Gerald, Bea team up in new film, expect old issues to resurface

Gerald Anderson

INE-expect na raw nina Gerald Anderson at Bea Alonzo na mabubuhay ang isyu ng pagli-link sa kanilang dalawa noon lalo na ngayong magsasama sila sa isang pelikula sa ilalim ng Star Cinema.

“Siyempre kasama talaga ’yun, it is what it is. Ganun talaga. Sa amin, gusto lang naming magbigay ng magandang movie despite kung ano man ang sasabihin ng iba. Kasama talaga ’yan, wala naman kaming magagawa,” sabi ni Gerald sa interview ng ABS-CBN News.

Sa kabila nito, excited sina Gerald at Bea sa unang pagtatambal nila sa pelikula. Ayon nga kay Bea, “Excited ako kasi parang matagal na. Laging almost dapat magtatrabaho kami pero ngayon lang talaga natuloy. Baka ito yung tamang timing.”

Gayunpaman, inamin ng dalawang nakaramdam sila ng pagkailang sa unang pagkikita nila para pag-usapan ang movie. “To be totally honest, weird because first time naming magkakasama sa pelikula,” ani Bea.

Dagdag pa ni Gerald, “Kahit sino naman, kapag may bagong leading lady ka or leading man, ganun talaga, magkakaroon talaga ng awkwardness.”

Dahil pareho silang single ngayon, may chance kayang ma-develop sila sa isa’t isa? “Well, it’s too early to tell.

Right now, ako parang na-excite ako to see him. Look at him, ang gwapo. But really, ngayon pa lang, step one pa lang. Hindi ko alam. Mamaya sa look test, balitaan ko kayo,” sabay tawa ni Bea.

Wala pang titulo ang Star Cinema movie pero ididirek ito ni Dan Villegas at ire-release ito ngayong taon.
(GLEN SIBONGA)

comments