Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Arjo says Jane is not his girlfriend

Arjo says Jane is not his girlfriend

Arjo

PINABULAANAN ni Arjo Atayde na girlfriend na niya ang nali-link sa kanyang Kapamilya actress na si Jane Oineza.

“Hindi ko siya girlfriend. It started off kasi ever since she’s my friend, since before. One of the few artists na nakilala ko, tapos eventually (we) got close, and now I’m getting to know her. I will leave it at that,” sabi ni Arjo sa interview niya sa “Magandang Buhay” ng ABS-CBN noong April 28.

Hindi nga raw sila halos nagkikita lately dahil sa busy schedules ng bawat isa. “Since may movie shoot siya, and I have a teleserye, hindi kami maka-meet ng schedule kahit magyayaan. Wala talagang schedule. So, for now, text lang kami. That’s it for now,” ani Arjo.

Natanong din ang actress-sister ni Arjo na si Ria Atayde, na kasama niyang nag-guest sa show, kung ano ang masasabi nito kay Jane? “Love na love ko si Jane, even without Arjo, parati kong sinasabi (’yan). Mayroon ngang nagti-tweet, na parang gusto lang naman niya si Jane dahil sa kapatid niya. Oy, hindi! Sobrang bait kasi ni Jane. Mabait siya,” sagot ni Ria.

Singit pa ni Arjo, “Sobrang sayang kasama.”

So, if ever maging sila nina Arjo at Jane, okay kay Ria? “Okay naman sa akin,” anang aktres.

Pero may plano ba si Arjo na ligawan si Jane? “Kapag sinabi kong ligaw, it’s such a big step if you don’t know the person na talagang buong-buo. I don’t want to jump into conclusions kasi baka masaktan ko rin siya, or masaktan niya ako. That’s why we take it slow. That’s why sinabi ko… people were commenting na parang, ’yun nga dinenay ko. I’m not denying anything. My point is I have to get to know the person before I court her, so let’s leave it at that.

Kaya nga sabi ko, I’m texting her, getting to know the person. For now, we are both busy, hindi talaga magkatugma ng schedule. We tried going out, but it’s just the schedule itself, so might as well work muna for now and just keep in touch,” paliwanag ni Arjo. (GLEN P. SIBONGA)

comments