Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Wanted man huli

Wanted man huli

CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga – Nadakip ng police ang itinuturing na No. 9 most wanted person ng San Miguel town sa Barangay Buliran, San Miguel, Bulacan, dakong 2 p.m. nitong Linggo.

Kinilala ni Senior Supt. Romeo M. Caramat, Jr., officer-in-charge ng Bulacan Police Provincial Office (BPPO), ang naaresto na si Enrico Chico Salvador alyas Rico, 45, residente ng No. 39 Yakal St., Barangay Paliwasan, San Miguel, Bulacan.

Sinabi na Caramat na dinakip si Salvador sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Regional Trial Court Branch 12, Malolos City, Bulacan, noong Setyembre 18, 2015, sa kasong frustrated murder. Kasalukuyang nakapiit si Salvador sa San Miguel Police Station.

comments