Home » News » News Roundup » Lalaki nalunod sa Cavite pool

Lalaki nalunod sa Cavite pool

KAWIT, Cavite – Isang 50-gulang na lalaki ang nalunod sa isang pool ng Josephine Water Camp Resort sa Barangay Panamitan, ng bayang ito, ayon sa police report kahapon.

Ayon kay SPO1 Roldan Velez Requioma, case investigator, patay na nang idating sa Saint Martin Maternity and Pediatric Hospital ang biktimang si Lito Romero Velasquez, residente ng Block 2, Lot 3, Sunset Meadows, Barangay Gahak, Kawit.

Sinabi ni Requioma na natagpuan ang katawan ni Velasquez ng kanyang mga kapamilya na nakalubog sa swimming pool na may lalim na limang talampakan, dakong 7 p.m. nitong Linggo.

Si Velasquez ang ika-apat na biktima ng pagkalunod sa lalawigan ng Cavite province sa panahon ng summer, ayon sa Police Provincial Office (PPO) report.

comments