Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 2 huli sa pagnanakaw ng bigas

2 huli sa pagnanakaw ng bigas

ZAMBOANGA CITY – Arestado ang dalawang lalaki matapos na mahuli sa aktong nagnanakaw ng mga kompiskadong bigas na nakalagak sa bodega ng Burea of Customs dito sa lungsod.

Kinilala ng pulisya ang mga nadakip na sina Abdul Doh Bahman, 18; at Nurullazi Arabani Hamid, 40, kapwa nakatira sa Sta. Catalina.

Ayon sa police report, namataan ng isang residente ang dalawang suspek na inilalabas ang mga sako ng bigas sa port area at dinadala sa isang kanto ng DPWH warehouse malapit sa Zambagora area.

Kaagad na itinawag ng mga mamamayan sa police station ang pagnanakaw, kung kayat madaling nadakip ang dalawa.

Na-recover sa mga suspek ang siyam na sako ng imported rice na may tatak na AAA.

Dinala ang mga suspek kasama ang mga nakumpiskang bigas sa city police office para masampahan ng kaukulang kaso.

comments