Home » News » News Roundup » Ahente ng Smart tinodas

Ahente ng Smart tinodas

Todas ang isang ahente ng Smart Telecom sa isang hinihinalang holdaper Martes ng umaga sa Quezon City.

Kinilala ng mga pulis ang biktima na si Leonardo R. Cabañas, 27, ng Alaska St., Greenland Subdivision, Banaba, San Mateo, Rizal.

Ayon sa isang saksi, nakatayo ang biktima sa harap ng isang tindahan sa FB De Jesus Subdivision, Barangay Nagkaisang Nayon, Novaliches ng biglang lumapit ang suspek na may tangkad na 5’5”, nakasuot ng itim na jacket, maong pants, at helmet.

Bumunot ng baril ang suspek at inutusan ang biktimang ibigay ang kanyang bag samantalang tumakbo papasok ng kanyang bahay ang saksi.

Nakarinig ng dalawang putok ng baril ang saksi at lumabas. Nakita niya ang suspek na nagpaputok ng baril habang papalayo at dala-dala ang bag ng biktima.

comments