Home » News » News Roundup » Babae patay sa pamamaril

Babae patay sa pamamaril

Natagpuang patay ang isang 42 taong gulang na babae sa loob ng Salam Compound sa Quezon City kahapon.

Kinilala ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit ang biktima na si Gina G. Atanil, alias “Leah,” residente ng Lanao St., Salam Compound, Barangay Culiat.

Ayon sa QCPD, nakatanggap ng impormasyon ang barangay tanod na si Nanjie Macarampat na may binaril na babae sa kanto ng Mujahiden at Libian St. Pinuntahan ni Macarampat kasama ang ibang barangay tanod ang lugar at nakita nila ang biktima na nakahandusay sa kalye at may dalawang tama ng bala sa ulo.

Narekober sa biktima ang kanyang Supreme Council identification card at bala malapit sa kanyang katawan. Dinala ang bangkay ng biktima sa Pacheco Funeral Homes sa Quezon City.

comments