Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Cesar posts he pays for his children’s schooling

Cesar posts he pays for his children’s schooling

CESAR Montano

NAGING trending topic sa social media ang sagutan ng estranged showbiz couple na sina Cesar Montano at Sunshine Cruz.

Marami ang nalulungkot para sa dalawa dahil ang naging away ay may kinalaman sa pera at nadadamay pa tuloy ang tatlo nilang anak na sina Angelina, Samantha at Francesca.

May kanya-kanyang buhay na nga sina Cesar at Sunshine simula noong maging public ang kanilang paghihiwalay noong 2013.

Bumalik sa pag-aartista si Sunshine para raw ma-provide nito ang mga pangangailangan ng kanyang mga anak nila ni Cesar.

Naungkat na naman nga ang issue tungkol sa pera, kaya walang choice si Cesar kundi i-post sa kanyang Instagram account last April 30 ang mga katibayang hindi niya napapabayaan ang pag-aaral ng kanyang mga anak.

“YEEY, SCHOOL TUITION OF MY 3 DAUGHTERS ARE PAID FOR THE ENTIRE YEAR 2016. I JUST PAID THEM! ALL GLORY TO GOD! I hate to do this making it public. I don’t have to do this but after learning that some people get wrong info, oops got to do it now. Also i think i awe my 3 daughters (Angelina, Samantha, & Francesca) this information and their friends too. And i will do this again next time. Pls bear with me guys. IT HAS BEEN MY PASSION GIVING MY KIDS GOOD EDUCATION FROM DAY ONE.”

May pahabol din si Cesar na mensahe para sa kanyang anak kay Teresa Loyzaga na si Diego Loyzaga. Gusto nga ni Cesar na ituloy na nito ang pag-aaral sa college.

“HOW BOUT U DIEGO TULOY MO NA COLLEGE MO HABANG BUHAY PA DAD MO. HEHE. BATA KAPA, U CAN DO BOTH, PAGAARTISTA AND SCHOOL. THERE’S NO SUBSTITUTE FOR EDUCATION…

“BASTA IM HERE FOR U. I LOVE U DIEGZ! I LOVE U ANGELINA, SAMANTHA, & FRANCHESCA. I’M ALWAYS HERE FOR U 100%. GOD BLESS U GUYS.” (RUEL J. MENDOZA)

comments