Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Kasal ni Zsa Zsa naudlot

Kasal ni Zsa Zsa naudlot

ZSAZSA Padilla

HOW sad kung totoong naghiwalay na si Zsa Zsa Padilla and her fiance, Architect Conrad Onglao. From the grapevine, diumano’y bumalik na si Zsa Zsa sa Marina Bay, love nest nila ng yumaong lovey dovey niyang si Dolphy.

Engaged-to-be married na sina Zsa Zsa at Architect Conrad. Sa France, Italy sana sila magpapakasal na itinakda nila this year. Nagli-live-in na sila sa house ni Architect Conrad sa San Lorenzo Village, Makati City.

Mukhang wala nang kasalang magaganap dahil sa balitang naghiwalay na sila.

Iba’t ibang haka-haka ang lumulutang sa kanilang break-up. Abang-abang nalang kung magsasalita si Zsa Zsa o si Architect Conrad para mabigyan-linaw ang mga haka-haka sa naudlot na kasal nila.

Second time nang naudlot ang pagpapakasal ni Zsa Zsa. Una’y ’yung sa kanila ng yumaong Comedy King na si Mang Dolphy. Nagka-problema noon sa annulment ng first marriage ni Zsa Zsa sa ex-husband niyang si Dr. Modesto Tatlonghari. With Architect Conrad, wait nalang tayo sa official statement nila ni Zsa Zsa sa naudlot nilang kasal.

Bagong pantasyang bayan

Si Kim Domingo ang inabangan ng mangilan-ngilang male entertainment writers (karamihan kasi’y mga badingding) noong presscon ng “Juan Happy Love Story.” Na-late siya ng dating dahil galing pa siya sa taping ng “Bubble Gang.”

Agaw-pansin ang malalaking boobs ni Kim. Tanong ng katabi naming writer kung totoo ba raw ’yun o “salamat po doktor”? Whatever! Nakadagdag ’yun sa kaseksihan ng bagong Kapuso star.

Si Kim ang sinasabing bagong pantasya ng bayan at aniya, okey lang sa kanya kung pagpantasyahan siya. “Sanay na ako magpa-sexy,” saad ni Kim. Naging honest din siya sa pag-aming “taken” na siya. Six years na sila ng non-showbiz boyfriend niya since high school days nila.

Bina-bash nga si Kim dahil sa kanyang pananamit. Hinuhusgahan siya at kung anu-ano ang sinasabi tungkol sa kanya.

Deadma lang siya at hindi siya affected. Aniya, ’yung ugali ng isang tao’y hindi naman nakikita sa itsura’t pananamit.

“Kahit ano’ng isuot mo, o sabihin mo, may masasabi pa rin ang ibang tao. Mas maganda, be yourself nalang,” wika ni Kim.

First teleserye ni Kim ang “Juan Happy Love Story” where she plays Agatha na mai-in love sa business partner niyang si Juan (Dennis Trillo). May eksenang ise-seduce niya si Dennis.

“Na-challenge ako. Kabado ako working with Dennis, and also with Heart Evangelista. Baguhan pa lang ako. Pero sobrang saya ang feeling ko,” pahayag ni Kim. Sa May 16 ang simula ng “Juan Happy Love Story” after “Once Again” sa GMA Telebabad.

Meaningful birthday

Sa halip na magkaroon ng bonggang birthday celebration, nagbigay nalang si Sef Cadayona ng water filtration system na gumagamit ng solar energy sa Dumagat Tribe sa Sitio Suha, San Mateo, Norzagaray, Bulacan.

Ani Sef, napag-alaman niyang problema ng Dumagat Tribe ang mapagkukunan ng malinis at potable water. “Kaya naisip kong masolusyunan ang kanilang problema. Ito nasiguro ang most memorable at meaningful birthday celebration ko,” lahad ng GMA Artist Center talent at Kapuso star.

Suriing mabuti

Ilang araw nalang at election na. Kasagsagan na ng pangangampanya ng mga kandidato. May payo si Bea Binene sa mga botante. Aniya, dapat pumili ng mga nararapat na kandidato. Suriing mabuti kung sino ang iboboto dahil isang malaking responsibilidad ang mga bagong mamumuno ng ating bansa.

“Isipin natin kung sino ang pinaka-qualified at kung ano ang mga nagawa nila. Sa kanila nakasalalay ang pag-unlad ng bansang Pilipinas,” wika ni Bea.

Si Leni Robredo ang vice presidentiable na sinusuportahan ni Bea. Sino naman kaya ang kanyang presidential candidate?

Ang kapuwa Kapuso stars niyang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ay supporters din ni Robredo. Si Senator Grace Poe naman ang presidential candidate ng mag-asawa.

Magnanakaw

Sa “Once Again,” may utang na hindi nababayaran ni Carmen (Chanda Romero), kaya sisisihin niya si Madel (Jean Garcia) dahil nag-ampon pa ito ng bata. Nanakawin ni Carmen ang expensive watch ni Nancy (Timmy Cruz).

Mangangako ang batang si Des kay Madel na paglaki niya’y siya na ang magtatrabaho para makapagpahinga na ito.

Mahilig sa mga pulang bagay si Des. Takot naman sa tubig ang batang si Aldrin.

Tutok lang sa mga kaganapan sa “Once Again” pagkatapos ng “Poor Señorita” sa GMA Telebabad.

comments