Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Crime gang boss arestado

Crime gang boss arestado

ORANI, Bataan – Isang pinuno umano ng criminal group na sangkot sa gunrunning at drug trafficking ang nadakip ng mga ahente ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Barangay Mulawin ng bayang ito nitong Miyerkules.

Sinabi ni Chief Inspector Reynold Macabitas, CIDG chief, na nakumpiska sa suspek na si Ronaldo Basto ang isang hindi lisendiyadong baril, mga bala at shabu nang siya’y masakote ng kanyang mga tauhan.

Ayon pa kay Macabitas, dinakip nila si Basto nang ipatupad nila ang search warrant na ipinalabas ng isang local court.

comments