Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Dennis says his flirting days are over

Dennis says his flirting days are over

Heart and Dennis

SANG responsible, go-getter businessman, naughty at certified ‘chickboy’ ang karakter ni Dennis Trillo bilang Juan sa “Juan Happy Love Story.” Sa trailer na ipinakita noong presscon, iba’t ibang babae ang kalandian/kaharutan ni Dennis at mukhang nag-enjoy siya.

Natatawang sabi ng Kapuso Drama Actor, ganu’n siya in real life five years ago. Dumaan siya sa bahaging ’yun ng buhay niya. Pero tapos na raw ’yun at mas mature na siya ngayon sa pakikipagrelasyon.

Mas open-minded na siya ngayon, ayon kay Dennis. Nahanap na ba niya ang kanyang one happy love story? “Di ko pa alam. Sa ngayon, okey naman. Masaya,” saad ni Dennis.

Naging open na rin si Dennis sabihing mas masaya sila ngayon ni Jennylyn Mercado sa kanilang second chance. Aniya, mas nakilala nila ang isa’t isa. Mas mature na sila sa pag-handle sa kanilang relasyon.

Walang selos factor kahit ipareha sila sa iba, tulad ni Heart Evangelista na kasama niya sa JHLS. Marami silang kissing scenes at naughty scenes ni Heart. Hindi isyu ’yun sa kanila ni Jennylyn, ayon kay Dennis.

“Masaya ako na iba’t ibang project ang ibinibigay sa akin ng GMA. Na-e-explore ang talents ko. Dito sa ‘Juan Happy Love Story,’ first time kong gampanan ang isang naughty at sexy character. First time ko rin katrabaho si direk LA Madridejos at marami kaming bagong ipapakita sa naughty romcom series na ito,” lahad ni Dennis.

Magsisimula ang JHLS sa May 16 sa GMA Telebabad pagkatapos ng “Once Again.”

Nag-trending

Sobrang happy at thankful sina Janine Gutierrez at Aljur Abrenica sa magagandang feedbacks at comments sa pilot week ng “Once Again.” Nag-trending ang pilot episode nito noong Lunes (May 2). Lalo pa itong tinutukan sa mga sumunod na gabi.

Hindi lang pretty face si Janine, she can really act. Leading lady material siya talaga. Push pa more sa kanyang career and chances are, she’s the next important Kapuso female star.

Sa isang episode ng OA na napanood namin, kagalit-galit ang ginawang pambubugbog ni Phytos Ramirez (as Lucas) kay Aljur, hanggang mapatay niya ito. Pwedeng i-build up si Phytos bilang kontrabida.

Mamaya sa “Once Again,” nag-binata’t dalaga na sina Aldrin (Aljur) at Des (Janine). Mahilig pa rin si Des sa tinapay na mestisa. Ninakaw ni Carmen (Chanda Romero) ang alkansiya ni Des. Hindi siya malabanan ni Madel (Jean Garcia) dahil pinagbantaan siya ni Carmen na sasabihin nito kay Des na hindi siya tunay na anak ni Madel.

Mag-a-apply ng trabaho si Des sa antique shop na si Agnes (Sheryl Cruz) ang may-ari. Mapapadaan si Aldrin at makikita niya sa salamin ang reflection ni Des na kamukha ng babae sa kanyang panaginip.

Confirmed

Kinumpirma ni Karylle na hiwalay na ang kanyang mommy Zsa Zsa Padilla at ang fiance nitong si Architect Conrad Onglao. Kinumpirma rin ni Karylle na ang mommy niya ang umatras sa kasal nila ni Architect Conrad na dapat sana’y magaganap this year sa Florence, Italy.

Kinumpirma rin ni Karylle na bumalik na ang kanyang mommy sa Marina Bay house na dating love nest nito at ng yumaong Comedy King na si Dolphy. Walang ibinigay na dahilan si Karylle sa hiwalayan ng kanyang mommy at ni Architect Conrad. Humihingi lang siya ng dasal for her mom dahil may sakit ito dahil sa pagod at stress.

Karapatan

Sa presscon ng isang bagong TV show ni Paulo Avelino, hiningan siya ng reaction o komento tungkol sa ex-girlfriend niyang si KC Concepcion at sa Azkals football player na si Aly Borromeo. Sa isang interbyu, inamin ni KC na dating sila ni Aly.

Sabi raw ni Paulo, karapatan naman ’yun ni KC. Deserve naman nitong maging happy. Ayon pa kay Paulo, he’s not dating anyone else ngayon. Masaya siya sa pagiging single ngayon. Okey fine!

Ang isa pang ex-girlfriend ni Paulo na si LJ Reyes ay happy naman sa bagong boyfriend nitong si Paolo Contis. Sa isang interbyu, sinabi ni Contis na isang trait ni LJ na nagustuhan niya’y ang pagiging mabuting ina nito sa anak nitong si Aki na si Paulo Avelino ang ama.

Sabi pa ni Contis, sa tamang panahon, gusto nila ni LJ magkaroon din ng sariling anak. May dalawang anak na babae si Paolo sa ex-wife niyang si Lian Paz.

comments