Home » News » News Roundup » Opisina ni Escudero nasunog

Opisina ni Escudero nasunog

Tinatayang nasa P40,000 halaga ng ari-arian ang natupok sa isang sunog na tumama sa media at extension office ni independent vice presidential candidate Sen. Francis Joseph “Chiz” G. Escudero sa Quezon City kahapon.

Ayon kay Fire Supt. Jesus Fernandez, Quezon City fire marshal, nagsimula ang sunog sa Room 2016 sa ika-20 palapag ng 22 palapag na President Tower sa kanto ng Scout Ybardolaza at Timog Ave. ng 10:13 a.m. Napatay ang sunog ng mga bumbero ng 10:54 a.m.

Hinihinalang nagoverheat na airconditioner ang sanhi ng sunog. Walang naiulat na namatay o nasaktan sa sunog na umabot sa unang alarma.

comments