Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Arci kinukunsider bilang Darna?

Arci kinukunsider bilang Darna?

arci munoz

NAGKAROON ng ningning ang bituin ni Arci Muñoz noong naging Kapamilya star siya. Napansin siya sa “Passion de Amor.”

Then, binigyan siya ng isang pelikulang pinagtambalan nila ni Gerald Anderson na reportedly ay box-office hit.

May bagong TV project si Arci na malapit nang simulan. ’Heard, kinukunsider si Arci para gumanap bilang Darna sa movie version nito. Magandang balita ito kung kay Arci ibibigay ang project.

Hindi niya ito tatanggihan, sakaling ipagkatiwala sa kanya ang project, ayon kay Arci. Ang dami kaya ng Kapamilya stars ang nagwi-wish gumanap bilang Darna at suwerte na lang ni Arci kapag siya ang naging final choice. Magiging bonggang-bongga ang career niya.

comments