Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Why Zsa Zsa sought Kris, not Sharon for comfort

Why Zsa Zsa sought Kris, not Sharon for comfort

Sharon Cuneta

SI Sharon Cuneta ang nagsilbing cupid kina Zsa Zsa Padilla at Architect Conrad Onglao. Ang megastar ang nagpakilala sa dalawa, kaya nu’ng nabalitaan niyang hiwalay na ang mga ito, nalungkot siya.

Ayon pa sa megastar, hindi pa sila nagkakausap ng kanyang good friend. Hindi niya ito ma-text at tanungin si Zsa Zsa sa pinagdaraanan nito ngayon. Ayaw niyang manghimasok o umepal (pumapel). Oo nga naman!

Unless si Zsa Zsa na ang kusang mag-open up tungkol sa break-up nila ni Architect Conrad.

Nagtataka lang kami kung bakit nauna pang puntahan ni Zsa Zsa si Kris Aquino matapos mabalita ang hiwalayan nila ni Architect Conrad. Nai-post agad ’yun ni Kris sa kanyang social media account pati ang picture na kasama ni Zsa Zsa ang dalawang anak ni Kris na sina Joshua at Bimby.

Sa post ni Kris, 20 years na silang magkaibigan ni Zsa Zsa. “We love her. I hold dear to my heart the saying, “Friends are the family we got to choose for ourselves,” bahaging post ni Kris.

Sina Sharon at Zsa Zsa kaya, ilang taon na silang magkaibigan at gaano sila ka-close sa isa’t isa? Ang megastar pa naman ang nagpakilala kina Zsa Zsa at Architect Conrad. Pero nauna niyang puntahan si Kris.

Tampuhang mag-ina

Mukhang hindi pa naaayos kung anuman ang naging problema o “isyu” sa mag-inang Nora Aunor at Ian de Leon.

Matatandaang hindi pumunta si La Aunor sa kasal ng kanyang anak. May sakit daw siya, ang dahilan ni Mama Guy. May apo na siya kay Ian, nakita na kaya niya ito?

Noong bumalik si Guy sa Pilipinas after eight years na paninirahan sa United States, hindi pa natin nabalitaang nagkita na sila ni Ian kahit minsan lang. Sina Lotlot at Matet de Leon lang ang nabalitaan nating nakita na ang kanilang adoptive mother. Nagkasama pa nga sina Guy at Lotlot sa isang TV show with Lotlot’s daughter Janine Gutierrez.

Noong tinulungan ni Ian ang isang batang naaksidente sa motorbike at dinala niya ito sa hospital, super proud mommy si Guy sa kanyang anak. Pero sa isang recent interview sa superstar, may halong tampo ang pahayag niya. Sana naman daw ay dalawin ng mga anak niya ang kapatid niyang si Buboy (Villamayor) na naka-confine sa isang ospital since last year noong na-stroke ito. Ni minsan daw, hindi pa dumalaw ang mga anak niya sa kanilang uncle Buboy.

Patutsadahan

Kung ceasefire muna sina Raymart Santiago at Claudine Barretto sa mga isyu sa kanila, nagpapatutsadahan naman ang estranged couple na sina Cesar Montano at Sunshine Cruz.

Kung dati’y tahimik lang si Cesar tungkol sa pinagdaraanan nila ni Sunshine, may mga pahayag na ang actor bilang pagtatanggol sa kanyang sarili. Kung anu-ano na kasi ang naglalabasang kuwento tungkol sa pagiging ama niya sa tatlong anak (all girls) nila ni Sunshine.

Ipinagbanduhan ni Cesar ang tseke bilang bayad sa tuition fee ng mga anak nila. Hindi ’yun nagustuhan ni Sunshine.

Aniya, bakit daw kinailangan pang ipangalandakan ’yun ni Cesar?

Obligasyon naman daw ’yun ng actor bilang isang ama. May pahayag pa si Sunshine sa isang interbyu sa kanya na hindi lang tuition fee ng mga bata ang responsibilidad ni Cesar. Paano naman daw ’yung iba pang pangangailangan ng mga ito?

Wish lang ng mga taong malalapit sa estranged couple na maayos nila ang anumang pinagdaraanan nila. Na sana, kahit hiwalay na sila at malabo na ang second chance for them, maging friends pa rin sila.

comments