Home » Entertainment » Timing » Hinaing ni Lotlot

Hinaing ni Lotlot

BAKA hindi lang nabalitaan o wala pang nakapag sabi kay Nora Aunor na dinalaw na pala nina Lotlot at Ian de Leon ang kanilang uncle Buboy. Nagtatampo kasi o masama ang loob ng superstar sa kanyang mga anak dahil hindi pa raw dumadalaw ang mga ito sa kanyang kapatid na matagal nang naka-confine sa hospital.

Nag-post sa kanyang social media account si Lotlot na bagaman wala siyang binanggit na pangalan, halatang patungkol ’yun sa kanyang mama Guy. May himig pagtatampo ang post ni Lotlot. Aniya, nakakalungkot na kahit gaano mo ipakita ang pagmamahal at pagmamalasakit sa mga taong mahalaga sa atin, minsa’y hindi pa rin ito sapat para sa kanila… parang laging kulang pa rin.

Ayon pa kay Lotlot, siya ’yung klase ng tao na kung pwede lang ibigay lahat para mapasaya at makatulong lang sa munting paraang abot ng kanyang makakaya sa mga mahal niya, gagawin niya.

Mother’s Day ngayon at malapit na rin ang birthday ng superstar (May 21) at sana lang, kung anuman ang namamagitang tampuhan kina Guy, Lotlot at Ian ay maayos na. Huwag na silang magtikisang mag-iina. Dapat happy lang!

Nalulungkot pa rin

May upcoming TV series na pagsasamahan nina Mark Herras, Katrina Halili at Yasmien Kurdi sa GMA7. “Womb for Hire” ang title, kaya more or less, may ideya na tayo sa tema nito.

Thankful si Mark sa bagong project na ibinigay sa kanya ng Kapuso Network. May pagkakaabalahan siyang taping at makakatulong daw ’yun para maibsan kahit papaano ang kanyang kalungkutan sa pagkamatay ng kanyang mommy. Last month ito namatay due to cardiac arrest.

Ani Mark, nalulungkot pa rin siya kapag naaalala niya ang kanyang mommy. Naiiyak siya at ipinagdarasal nalang niya ito. Sinisikap niyang magpakatatag. Unang Mother’s Day ngayon ni Mark na wala na siyang ina. Pero aniya, kahit wala na ang kanyang mommy, magse-celebrate pa rin siya ng Mother’s Day.

Sina Katrina at Yasmien napareho nang mga nanay ay magse-celebrate ng Mother’s Day with their loved ones. Nasa Boracay si Katrina with her daughter Katie. Sa bahay lang nila si Yasmien at ipagluluto niya ang kanyang hubby (Rey Soldevilla) and daughter Ayesha). Manonood sila ng TV at bonding-bonding lang sila.

Cooking show

Ngayong Linggo (May 8) na ang simula ng cooking show ni Jennylyn Mercado sa GMA News TV. Pinamagatang “Dishkarte of the Day,” magbabahagi si Jen ng budget-friendly recipes gamit ang CDO Karne Norte. May mga kitchen tips din siya para sa mga nanay.

Co-host si Betong Sumaya at director si Noel Añonuevo. Monday to Friday: 8:20 to 8:30 a.m., 3 to 3:10 p.m., 7 to 7:10 p.m. Saturday: 8:20 to 8:30 a.m., 3 to 3:10 p.m., 4:50 to 5 p.m. Sunday: 12:25 to 12:55 p.m., 4:50 to 5 p.m., 5:40 to 5:50 p.m.

No more second chance

No more second chance for Zsa Zsa Padilla and her ex-fiance Architect Conrad Onglao. ’Yan ang paniniwala ng mga taong malalapit kay Zsa Zsa. Anila, sa pagkakilala nila sa singer-actress, kapag nagdesisyon ito, pinaninindigan nito. If it’s over, over na talaga. Wala nang balikan.

Mukhang matindi o malalim ang pinag-ugatan ng pag-iwan ni Zsa Zsa sa kanyang ex-fiance at pag-atras niya sa kanilang kasal. Naghakot na si Zsa Zsa ng mga damit at gamit niyang dinala sa bahay ni Architect Conrad noong nagdesisyon siyang makipag-live-in rito. Ang sabi, kinailangan daw ng truck sa paghakot sa rami ng damit at gamit ni Zsa Zsa.

Balita ring pupunta siya diumano sa May 10 sa Heritage Park, Taguig City para dalawin ang puntod ng yumao niyang lovey dovey na si Dolphy. Magsusumbong kaya si Zsa Zsa sa break-up nila ni Architect Conrad?

comments