Home » News » Local » JaiLene not in a hurry to fall in love

JaiLene not in a hurry to fall in love

PAREHONG hindi nagmamadali sa love. Ito ang Top 1 na dahilan kung bakit compatible sa isa’t isa ang magka-love team na sina Jairus Aquino at Sharlene San Pedro o JaiLene, na parehong 17 years old.

Paliwanag ni Sharlene, “Kasi darating yung tamang panahon para diyan. Dapat kapag dumating yung tamang panahon, yun pa lang. Huwag yung pabasta-basta.”

Dagdag pa ni Jairus, “Dapat inaantay siyang dumating. Kailangan ready ka.”

Ito ang naging pahayag ng JaiLene sa panayam sa kanila nina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros sa “Magandang Buhay” ng ABS-CBN noong May 5.

Sa tingin nila kailan ba yung tamang panahon?

“Siguro po as long as you’re ready to go into a relationship, why not?” sabi ni Jairus.

Ayon naman kay Sharlene, “Ako, pag nakita mo na yung tamang tao, doon pa lang tama.”

Payo naman ni Karla sa dalawa, “A piece of advice, hindi mo kasi masasabi kung ito na ba ang tamang tao kasi kailangan n’yo munang makilala. Hindi iyan magiging perfect, so lagi n’yo lang ihahanda ang mga sarili n’yo. Pero ang pinakaimportante diyan is huwag magmadali.”

Tanong pa ni Karla kay Jairus: Totoo bang 17 years old ang ideal age niya para ma-in love? “Ma-in love lang naman po e, di ba, why not? Kasi pag 17 iyon ang time na marami ka nang nakikilala, at the same time talagang medyo alam mo na yung love,” sagot ni Jairus.

“Ako po next year, feeling ko po,” pasabog namang singit ni Sharlene.

Hindi rin mapigilang magpakita ng sweetness si Jairus kay Sharlene lalo na noong regaluhan ng young actor ng pug puppy ang ka-love team. Pinangalanan nila itong Tyler, na may special appearance pa sa “Magandang Buhay” nang dinamitan nila ito sa show.

Gusto rin daw ni Sharlene kay Jairus ang pagiging humble nito. “Kunwari po may nagsabi po sa kanya, ‘Ang guwapo mo naman,’ tapos ano po siya, ‘Ay, hindi naman po.’ Pero alam niya po sa sarili niyang guwapo siya.”

Sa ngayon mapapanood sina Jairus at Sharlene bilang mga video jockey (VJ) sa MYX music channel. (GLEN P. SIBONGA)

comments