Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Jean Garcia a proud lola

Jean Garcia a proud lola

HAPPY and proud lola ang Kapuso actress and TV host na si Jean Garcia dahil panay ang post niya sa social media ng kanyang pinakamamahal na apo na si Athen Mori Uytingco.

Tawag nga ni Lola Jean sa kanyang apo ay: “She is truly my favorite person in the world!”

Kauna-unahang apo nga ito ni Jean mula sa kanyang panganay na si Jennica Garcia. Nagpakasal noong nakaraang taon sina Jennica at ang mister niyang aktor na si Alwyn Uytingco.

Kaya naman si Jean ay aligagang umuwi kapag natapos na ang trabaho niya, both for the shows “Love Hotline” and the teleserye “Once Again” dahil gusto na niyang makasama ang kanyang apo.

Diretso raw si Jean sa pag-uwi para makasama si Mori bago ito matulog.

“May you be healthy and happy always. Isn’t she a beauty? Proud LALA here! I love you with all my heart baby love. I will never ask for more!” pag-post pa ni Jean sa kanyang IG account.

Ayon pa sa aktres, wala pa raw balak si Jennica na magbalik-showbiz dahil enjoy itong maging mommy ngayon.

Naiintindihan naman daw ito ni Jean dahil gusto ng kanyang anak na maging isang hands-on mommy na tulad niya noong mag-isa niyang pinalaki ito.

Pero hindi raw nakikialam si Jean sa style ng mothering ni Jennica sa kanyang apo.

“Pinapabayaan ko sila ni Alwyn.

“Gusto kong matuto sila sa pagiging parent.

“Natutuwa akong si Jennica ang bilis matuto. Parang ang bilis nag-trigger ng parental instincts niya. Alam na niya agad ang mga gagawin niya.

“Kaya wala akong problema sa kanila.

“Basta makita ko lang ang aking apo everyday, masayang-masaya na ako!” ngiti pa ni Jean.

Muling nagbabalik si Jean sa paggawa ng teleserye via “Once Again” with Aljur Abrenica and Janine Gutierrez. Huli siyang napanood sa “The Half-Sisters.”

Umiiwas na raw si Jean sa pagganap bilang kontrabida. Pinapaubaya na lang daw niya ang pagiging kontrabida sa mga batang artista ngayon.

“Graduate na tayo diyan, ’di ba? Napagod na ang lola n’yo sa pagiging kontrabida!” tawa pa niya.

“I think it’s time to pass the torch. Tsaka lola na nga ako in real life. I want my apo na mapanood niya akong mabait at hindi sumisigaw sa TV.” (RUEL J. MENDOZA)

comments