Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Julia rated as a friend

Julia rated as a friend

Julia Montes

MADALAS intrigahin dati sina Julia Montes at Kathryn Bernardo kaugnay ng umano’y pagkakaroon nila ng rivalry – kung sino ang mas sikat at mas magaling – matapos nilang gawin ang remake ng “Mara Clara” sa ABS-CBN noong 2010.

Pero sa totoo lang, never silang nagging magkaaway at nagpadala sa negative issues na ito. Napanatili nila ang kanilang pagkakaibigan hanggang sa ngayon. Ang pagiging mabuting kaibigan ang isa sa mga naging paksa sa guesting ni Julia sa ABS-CBN morning talk show na “Magandang Buhay” noong May 4.

Isang surprise video message ni Kathryn ang ipinalabas na labis naming ikinatuwa ni Julia.

Sabi ni Kathryn, “Si Julia talaga yung maituturing kong kaibigan na pangmatagalan. Alam mo iyon, kahit hindi kami ganung kadalas magkita, hindi nawawala ang friendship namin. Thank you for everything. Alam kong nandiyan ka anytime.

“Kapag may problema ako, siya yung napagsasabihan ko. Thank you, Juls, and I wish you all the best. Maraming-maraming salamat sa lahat ng mga advice mo. Sana lagi ka lang happy. I’m always here for you and I love you.”

Na-appreciate naman ni Julia ang mensahe sa kanya ni Kathryn. Ani Julia, “Yung friendship kasi namin, hindi kami yung super cheesy or what, pero ramdam mo yung kapag may kailangan yung isa or malungkot yung isa or masaya yung isa, lahat kami magkakasama. Kaya tinuturing naming yung mga sarili naming hindi friends, kasi yung friendship sinasabi nila may hangganan, sisters kami kasi walang hangganan.”

May sinabi si Kathryn na salamat sa mga advice, ano ba yung mga iyon? “Marami… pero si Kath minsan parang mas ate pa siya sa akin. Kasi minsan siguro parang ang tanda-tanda na ng iniisip ko, si Kath yung parang tagapag-alala na, ‘Juls, just enjoy, relax.’ Parang huwag kang masyadong mag-isip, be happy. So, siya yung taga balik sa akin ng teenage life ko, ganun. So, iyo nang friendship namin, minsan mas ate pa siya talaga.”

Kasama rin sa sisterhood nilang tinatawag ang ate nilang si Dimples Romana, na gumanap namang mommy nila sa “Mara Clara.” Simula noong gawin nila ang naturang teleserye ay naging malapit na raw sila sa isa’t isa.

Nag-guest pa nang live si Dimples sa “Magandang Buhay” para sabihin kung gaano kabuting kaibigan si Julia. “Kasi si Juls, ma-effort siya as a friend.’’ (GLEN P. SIBONGA)

comments