Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Sharon botong-boto sa boyfriend ni KC

Sharon botong-boto sa boyfriend ni KC

SHARON Cuneta

HAPPY heart ngayon si KC Concepcion at naipakilala na niya sa kanyang mama Sharon Cuneta ang current boyfriend niyang si Aly Borromeo, ang Azkals football player na nagpapasaya ng puso niya ngayon.

Botong-boto raw ang megastar kay Aly. Ayon pa kay Sharon, good boy, disente at marespetong tao si Aly, kaya sobrang boto siya rito for her daughter. Ano kayang reaction ng ex-boyfies ni KC na sina Rico Blanco ng bandang Rivermaya, Piolo Pascual at Paulo Avelino?

For sure, tanggap din ng papa Gabby Concepcion ni KC ang bago niyang BF. Never naming nakialam o nanghimasok si Gabby sa love life ng kanyang anak. Sa past interviews kay Gabby, parati niyang sinasabi na kung saan masaya si KC, suportado niya ito. Cool dad ever si Gabby.

Kailan naman kaya ipapakilala ni KC si Aly sa kanyang papa Gabby? Si Aly na kaya ang “the one” at maging forever ni KC?

comments