Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Tulak ng shabu, dedo sa Pampanga

Tulak ng shabu, dedo sa Pampanga

GUAGUA, Pampanga – Patay sa mga pulis ang No. 1 target drug personality ng Pampanga sa isang shootout sa bayang ito noong Biyernes.

Kinilala ni Senior Supt. Rodolfo Sabate Recomono Jr., Pampanga Provincial Police Office director, ang suspek na si Arthur Sunga, 37, at taga-Guagua.

Sinabi ni Recomono na napatay ang suspek pagkatapos magbenta ng siyam na sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahagalaga ng R1,000 sa isang police poseur buyer ng Pampanga Police Intelligence Branch na pinamumunuan ni Chief Insp. Michael Masangkay sa Barangay Natividad.

comments