Home » News » Local » Vendor ni-rape ang anak, arestado

Vendor ni-rape ang anak, arestado

Arestado ang isang vendor kahapon pagkatapos umano nitong gahasain ang kanyang anak na babae sa kanilang bahay sa Quezon City noong Biyernes.

Ayon sa imbestigasyon ng Quezon City Police District, nagbabakasyon lamang ang 13 taong gulang na biktima sa kanyang ama at mga kapatid sa Barangay Greater Lagro ng mangyari ang insidente. Nabatid na nakatira ang biktima sa kanyang kamaganak sa Rizal.

Sinabi ng biktima sa mga pulis na pinigilan siyang lumabas ng kanyang ama at tinangkang gahasain. Natigil ang suspek ng umiyak ang kanyang anak na sanggol pero nagtagumpay ito sa biktima ng mapatulog niya ang bata.

Nagkaroon ng pagkakataong tumakas ang biktima sa suspek ng dumating ang isang kapatid nito. Nagsumbong ang biktima sa kanyang tiyuhin sa Rizal pagkatapos ng insidente.

Humingi ng tulong sa mga pulis ang tiyuhin ng biktima at kaagad namang nahuli ang suspek na nahaharap sa kasong rape. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments